Umaasa ang gobyerno ng Pilipinas na magbabago ang isip ng China at makikilahok na ito sa arbitration proceedings sa United Nations tribunal kaugnay ng agawan sa teritoryo sa South China Sea.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Secretary Hermino Coloma, Jr. na ang paglahok ng China ay magpapakita ng pagtalima nito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) upang tuluyan nang maresolba ang territorial dispute sa payapa at makatuwirang paraan.
“And in our believe as a member of the international community, China can truly show its adherence to UNCLOS, wherein is one of the signatories, and other international laws by participating in the arbitration,” sinabi ni Coloma sa isang panayam ng radyo.
Inaasahang ilalabas na na UN tribunal ngayong buwan ang desisyon nito sa kaso. (Genalyn D. Kabiling)