pagara copy

Tiwala ang walang talong si “Prince” Albert Pagara na maipatitikim niya ang mapait na lasa ng kabiguan sa tigasing Mexican fighter na huling nagpahirap kay WBO super bantamweight champion “The Filipino Flash” Nonito Donaire Jr.

Makakasubukan ng lakas ni Pagara sa Hulyo 9 sa San Mateo Events Center sa San Mateo, California si world rated Cesar Juarez para sa kanyang pangalawang laban sa labas ng bansa.

Si Juarez, may 17-5-0 karta tampok ang 13 panalo sa knockouts, ang nagpalasap ng matinding hirap kay Donaire bago natamo ng Pilipino ang kampeonato sa Puerto Rico noong nakaraang taon. Isang heavy underdog, nagpamalas ng kakaibang tapang at katatagan ang Mexican bago natalo ng lopsided unanimous decision.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ngunit, para kay Pagara hindi niya itinuturing na magbibigay sa kanya ng problema ang 24 anyos na si Juarez.

“Donaire Jr. had difficulties fighting him but for me it’s going to be an easy fight because Juarez is a one-dimensional boxer who always comes and pressures you. That kind of an opponent is the best fit for my style,” tiwalang sinabi ni Pagara sa ginanap na media send-off.

Nasa Maynila si Pagara para sa nakatakdang biyahe patungong US. Tangan niya ang perpektong 26 panalo, 18 sa pamamagitan ng knockouts.

“This is a very important fight for me because I’m just a step away from a world title shot. I can sense it and feel it that I will soon fight for a world title,” pahayag pa ni Pagara.

“I asked for this fight for a long time already and I thank my promoters for giving me the chance to fight him (Juarez).”

Kasalukuyang ranked number two si Pagara sa WBO super bantamweight division kung saan naghahari si Donaire.

Nakahanda naman siya kung sakaling magkrus ang kanilang landas ng The Filipino Flash. (Gilbert Espena)