Sa pag-atras ni dating IBF light flyweight champion Javier Mendoza ng Mexico na napinsala ang likod habang nagsasanay, nagpasya ang Zanfer Promotions ng Mexico na ipadala sa Pilipinas si Maximino Flores bilang kapalit na makakalaban ni Milan ‘El Metodico’ Melindo sa Mayo 28.

Sa report ng PhilBoxing.com, dapat sanang magtuos sina Mendoza at Melindo para sa kanilang rematch bilang undercard ng World Boxing Organization (WBO) light flyweight title bout nina Donnie “Ahas” Nietes at Raul “Rayito” Garcia ngunit naaksidente ang dating Mexican champion sa kanyang training camp noong nakaraang linggo.Hawak ni Flores ang 19-2-0 win-loss-draw record kasama ang 13 knockouts ngunit nagmula sa knockout ang dalawa niyang talo.

Natalo si Flores sa pamamagitan ng 2nd round technical knockout kay Valentin Leon sa isang four round bout noong Hunyo 25, 2011 at muling natalo ng 2nd round technical knockout kay Mario Lara Rivera sa isa pa ring four round bout noong Nobyembre 24, 2012. Naipanalo naman niya ang huling laban via split decision kay Victor Sandoval nitong Pebrero 6.

Nanalo ang 25-anyos na Mendoza kay Melindo noong nakaraang taon sa Ensenada, Mexico para sa kanyang pangalawang title defense. Ngunit kontrobersiyal ang kanyang tagumpay dahil itinigil ni American referee Gerald White ang laban sanhi ng headbutt na ipinilit ng Mexican team.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Ipinaubaya ni White ang desisyon sa scorecards at idineklarang panalo si Mendoza. Samantala, iginiit naman ng Team Melindo na aksidente ang head butt at dapat nauwi sa 6th round technical knockout ang laban na pabor para sa Filipino challenger.

Magaganap ang Pinoy Pride 36 – A Legend in the Making sa St. La Salle Coliseum sa Bacolod City. (Gilbert Espena)