Binalaan ni incoming President Rodrigo Duterte ang mga tiwaling pulis na magbago na kung mahal nila ang kani-kanilang pamilya at trabaho, dahil hindi siya mangingiming gumamit ng kamay na bakal laban sa mga ito.

Suportado naman ng pulishya ang babalang ito ng susunod na Pangulo ng bansa, ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor.

Makabubuti, aniya, kung umalis na lang sa serbisyo ang mga ito kung ayaw nilang mapahiya.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Tiniyak ni Duterte na walang magiging puwang sa kanyang administrasyon ang mga pulis na tinaguriang scalawags.

Naniniwala naman si Duterte na 98 porsiyento ng mga miyembro ng PNP ay mababait at dedicated sa sinumpaang tungkulin.

Tinukoy ni Duterte ang mga police general at iba pang pulis na nasasangkot sa ilegal droga, maling paggamit ng pondo, at iba pang krimen.

Aniya, mas mabuting magretiro na lang ang mga ito sa serbisyo ngayon pa lang habang makakukuha pa ng mga ito ang kanilang mga benepisyo, dahil kapag umupo na siya bilang pangulo ay hindi niya hahayaan na mamayagpag ang mga tiwaling pulis sa tiwaling gawain ng mga ito.

Kasabay nito,tiniyak ni Duterter na dapat sundin ang batas at sinuman ang lalabag dito ay mananagot. (FER TABOY)