Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO)-Region 11 sa mga gumagamit ng decorative plate na “DU30”, partikular na ang ilang tagasuporta ni presumptive President Rodrigo Duterte, dahil labag ito sa batas.

Sinabi ni Eleanor Calderon, regional operations chief ng LTO-Region 11, ang paggamit ng nasabing decorative plate ay ilegal at maaaring pagmultahin ng P5,000 ang magkakasala, bukod pa sa kukumpiskahin ang naturang car plate, at ang lisensiya ng driver.

Magugunitang marami nang negosyante ang kumita sa pagtitinda ng mga T-shirt, sticker, at decorative plate na inspired ng bagong pangulo.

Nabatid mula kay Calderon na tatlong violator na ang nasampahan ng kaso ng LTO dahil sa nasabing paglabag.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Giit pa ni Calderon, mismong ang Davao City mayor ay hindi papayag sa nasabing gawain. (Jun Fabon)