NAKAPAPASO ng balat ang init na hatid ng araw. Kahit sumisimoy ang hanging Amihan mula sa Silangan, ang dapyo at dampi nito sa balat at katawan ay higit pa sa hininga ng may lagnat. Kahit nakaupo ka lamang sa silya sa loob ng bahay, pagpapawisan ka na at makararamdam ng uhaw. Ang tanging lunas ay palakasin ang electric fan na habang tumatagal ay mainit na rin ang inilalabas na hangin. Uminom ng malamig na tubig o kumukuha ng pamaypay ang mga tao para maibsan ang nadaramang init at alinsangan. Ang ibang hindi matagalan ang init ay napipilitang maghubad-baro, lalo na ang kalalakihan. Dahil dito, karaniwang tanawin na sa mga kalsada ang mga lalaking hubad-baro.

Ang mga babae naman ay nagpapaiklian ng shorts kahit may varicose veins at ang legs ay parang pata ng hamon.

Sa nakalipas na halalan sa Rizal, masasabing tahimik at maayos ito sa kabuuan. Kung ang hatid ng tag-araw ay mainit at maalinsangang panahon, ang eleksiyon sa Rizal ay sinlamig naman ng nguso ng pusa sapagkat walang naganap na mga karahasan.

Muling nagwagi si Rizal Gov. Nini Ynares na may 767,909 na boto, laban kay Steve Salonga na may 84,056 na boto.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nanalo rin ang vice governor ni Gov. Ynares na si Dr. Rey San Juan, Jr. at ang mga board member ng Sanggunian Panlalawigan. Panalo rin si dating Rizal Congressman Jack Duavit, ng unang distrito ng Rizal.

Masasabing bagong kasaysayan sa pulitika ang naganap na halalan sapagkat ngayon lamang 2016 nangyari na may mga bayan na walang kalaban ang mayor at vice mayor. Mababanggit na halimbawa sa Jalajala. Walang kalaban si dating Mayor Ely Pillas. Wala ring kalaban sa Cardona sina Mayor Bernardo San Juan, Jr. at Vice Mayor Teodulo Campo. Sa Montalban ay wala ring kalaban si Mayor Ilyong Hernandez. Sa Angono ay walang kalaban si Vice Mayor Sonny Rubin. Si Congressman Romeo Acop ng 2nd district ng Antipolo ay wala ring kalaban. Kasaysayan din sa Rizal ang pagkakaroon ng nagwaging family tandem sa tatlong bayan. Sa Binangonan ay nagwaging alkalde si Cesar Ynares at vice mayor naman si Mayor Cecilio Boyet Ynares na matatapos ang termino sa Hunyo 30.

Sa San Mateo ay nagwagi naman ang mag-asawang Vice Mayor Cristina Diaz at Mayor Rafael Paeng Diaz.

Sa Baras, muling nanalo ang mag-amang sina Mayor Katherine Robles at Vice Mayor Willie Robles.

Sa Taytay ay tatlo ang naglaban-laban sa pagka-mayor. Tinalo ni dating Taytay Mayor Joric Gacula si re-electionist Mayor Janet de Leon Mercado at si Barangay San Juan Chairman Joseph Valera.

Congrats po sa inyong lahat! (Clemen Bautista)