Nakaganti ang Ateneo De Manila Blue Ballbusters sa karibal na De La Salle Green Batters sa mainitang labanan Linggo ng hapon matapos itala ang 8-5 runs na panalo sa ginaganap na 2016 Philippine Sports Commission (PSC) Commissioners Baseball Cup sa Rizal Memorial Baseball Field.

Nagtulong-tulong ang mga pitchers na sina Miguel Dumlao, Jaime Ignacio Cojuangco at Fil-Japanese Kouichi Furusawa sa pagpukol sa siyam na inning upang agad na mantsahan ang tinanghal na UAAP Baseball Tournament champion.

Agad umiskor ng isang run ang Ateneo sa first inning subalit agad itong sinagot ng La Salle sa dalawang run sa second inning. Itinabla ng Blue Eagles ang laban sa isa pang run sa ikatlo subalit gumanti ang Green Batters ng tig-isang run sa fourth at fifth inning para agawin ang abante sa 4-2 run.

Gayunman, pumalo ang Ateneo ng tig-tatlong run sa sixth at ninth inning habang nilimitahan nito ang La Salle sa isa lamang run sa 8th inning upang makapaghiganti sa tinamo nitong pagkatalo sa kanilang paghaharap sa kampeonato sa katatapos lamang na UAAP season.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Pumukol si Dumlao sa loob ng apat na inning bagaman nagbigay ito ng tatlong run at 7 hits. Si Cojuangco ay nag-pitch sa tatlong inning na may 1 run at 3 hits habang isinara ng sophomore lamang na si Igarashi ang laro para sa Blue Eagles sa isang run na may 2 hits.

Tumuntong sa homeplate para sa Ateneo ang rookie na si Marquis Riley Alindogan na mula sa Bishop Blanchet High School sa Seattle USA sa

Samantala’y itinala ng IPPC Hawks na binubuo ng mga dating miyembro ng Philab ang ikalawa nitong panalo matapos biguin ang nakasagupa nitong University of the Philippines (UP) Fighting Maroons, 8-5. Una nang tinalo ng Hawks ang nakatapat na UST Golden Sox, 16-1. (Angie Oredo)