Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakaaresto sa pitong Chinese na hindi lang pinagsususpetsahang mga drug courier kundi umaakto rin bilang mga hired assassin ng isang kilabot na international drug ring.

Sa pulong balitaan, kinilala ng mga opisyal ng NBI ang pitong Chinese na sina Dong Haifeng, Dong Lu, Zhang Zongrong, Jinchun Huang, Yongan She, Dan Lu, at Wei Yongan Yang. Sina Lu at Yang ay kapwa babae, ayon sa ulat.

Naaresto ng mga NBI agent ang pito sa inuupahang condominium unit ng mga ito sa Grace Tower sa Lavezares Street, Binondo, Manila, sa bisa ng search warrant at sa pakikipagtulungan ng Taiwanese intelligence group.

Nabawi mula sa pitong suspek ang 153.4 gramo ng shabu na isinilid sa mga tea bag at pinatuyong methamphetamine hydrochloride na nakalagay sa isang plastic na palanggana at may timbang na 14.5 gramo.

National

SILG Remula kay Rep. Leviste: 'Niloko niya ‘Pinas, harapin niya muna problema niya!'

Nakadiskubre rin ng awtoridad ang isang backpack na may mga baril, sari-saring bala, isang gun silencer, anim na machete, at kutsilyo.

Bukod sa pagtutulak ng shabu, sinabi ng NBI na nagsisilbi ring mga kolektor ang pito ng isang Chinese drug syndicate para sa mga kilyente nito na hindi nagbabayad sa mga iniskor na drogra.

Bahagi ng modus operandi ng pito ang dukutin ang kanilang kliyente na hindi nagbabayad at itatago ito sa isang bodega hanggang sa makabayad ng utang sa sindikato. (Argyll Cyrus B. Geducos)