Ni Angie Oredo

Hitik sa world-class action ang ipaparadang torneo ng Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc. (LVPI) at Philippine Sports Commision simula sa Hunyo hanggang Disyembre.

Sinabi ni LVPI president Jose Romasanta na kumpiyansa siyang manunumbalik ang kasiglahan at katatagan ng volleyball sa bansa sa mas pinatinding world-class action tampok ang mga international teams na ipaparada ng asosasyon, sa pakikipagtulungan ng Philippine Super Liga ngayong taon.

“We hope that our countrymen would support us in these major undertaking, which we feel would surely help and bring our country back in the world volleyball community,” pahayag ni Romasanta.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Makikipagpulong si Romasanta sa mga opisyal ng iba’t ibang national Olympic body sa rehiyon upang talakayin din ang paghahanda para sa 2016 Rio Olympics sa Bangkok, Thailand.

Tumatayo ring chef de mission ng Team Philippines si Romasanta para sa Rio Games.

Gaganapin sa bansa ang 2016 Asian Women’s Club Volleyball Championship at FIVB Volleyball Women’s Club World Championship. Magsisimula naman ang PSL All-Filipino Cup sa Hunyo 11, habang ang PSL Grand Prix ay sa Oktubre.

Mapapalaban ang Pinay belles sa 2016 European Champion Pomi Casalmaggiore ng Italy, 2015 Asian Champion Bangkok Glass mula sa Thailand at ang 2016 South American Champion Rexona Ades Rio mula sa Brazil.

Ang 2016 Asian Women’s Club Volleyball Championship na ika-17 edisyon ng AVC Club Championships ay gaganapin mula sa Setyembre 3-11.

Naisagawa na ang draw kung saan nasa Pool A ang Pilipinas (Host), Vietnam (7th) at Hong Kong habang nasa Pool B ang Thailand (1st), North Korea (6th) at Iran. Nasa Pool C ang Japan (2nd), Kazakhstan (5th) at Indonesia habang nasa Pool D ang China (3rd), Chinese Taipei (4th), Malaysia at Turkmenistan.