Ilang lugar sa Antique ang magdaraos ng special elections ngayong Lunes.

Magsasagawa ng botohan sa Barangay Mabuyong sa bayan ng Anini-y, at sa Bgy. Insubuan sa San Remigio.

“Only those voters in Clustered Precinct No. 3 in Bgy. Mabuyong, Anini-y and Clustered Precinct No. 25 in Bgy. Insubuan, San Remigio, who were not able to vote during the May 9 elections, shall be allowed to vote,” saad sa Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10137.

Ang Bgy. Mabuyong ay may kabuuang 691 botante, habang 158 naman ang rehistrado sa Bgy. Insubuan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Una nang sinabi ng Comelec na may kabuuang 268 botante sa Bgy. Mabuyong at 34 na botante sa Bgy. Insubuan ang hindi nakaboto nitong Mayo 9 matapos na kulangin ang balota sa clustered precinct ng mga ito.

Batay sa Resolution No. 10137, sinabi ng Comelec na hindi na isusumite electronically ang mga boto sa nasabing mga polling precinct, kundi manu-manong bibilangin. - Leslie Ann G. Aquino