Shia LaBeaouf copy

CANNES, France (AFP) – Nitong mga nakaraang taon, ipinakilala ni Shia LaBeouf ang sarili bilang conceptual artist; nakipagtrabaho sa mas experimental na mga direktor at ilang beses na nagpataas ng kilay sa marami dahil sa kakaiba niyang ikinikilos, kabilang na ang pagsusuot ng paper bag sa ulo nang dumalo siya sa premiere ng Berlin Film Festival.

Ngunit sa Cannes Film Festival nitong Linggo, dumating si Shia na maayos ang gupit, malinis ang damit at walang bag sa ulo — at ipinagmamalaki ang isang pelikula na umani ng papuri at marahil ng pinakamagagandang review sa kanyang pagganap sa buong panahon ng kanyang career.

Sa American Honey ni Andrea Arnold, na kalahok para sa Palme d’Or, gumanap si Shia, kasama ang baguhang si Sasha Lane, bilang leader ng mga pasaway na teenager na naglibot sa Midwest, sakay sa isang van, para magbenta ng magazine subscription.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Pinuri ng Hollywood Reporter ang pagganap ni Shia bilang “an ideal vehicle to harness his edge-of-insanity unpredictability.” Sinabi naman ng IndieWire na ang bida ng Transformer movies “has never been better.”

Nakasuot ng puting tuxedo sa Cannes red carpet, sinabi ni Shia na malaking tulong sa kanyang pagganap ang freewheeling shooting ni Arnold. At relate na relate rin umano siya sa kanyang role sa American Honey.

“This is not new information to me,” sabi ni Shia. “I’m part of that underclass.”

Samantala, kinumpirma rin ni Shia, 29, na gaganap siya bilang ang mahusay na tennis player na si John McEnroe sa pelikulang Borg/McEnroe, tungkol sa ’70s-’80s rivalry ng dalawang tennis star.

“Jake is me and so is McEnroe,” sabi ni Shia, tinukoy ang kanyang karakter sa American Honey. “I understand these people. I empathize with them. You just turn things up and turn things down. It’s me.”

Noong nakaraang taon, nagdaos si Shia ng art installation sa New York at pinanood niya ang lahat ng sariling pelikula sa isang sinehan sa Greenwich Village sa loob ng 72 oras. Na-excite siya sa ilan sa kanyang mga napanood, habang nakatulog naman siya sa Indiana Jones and the Kingdom of the Crystal Skull.