BILANG isang patakaran, pinagkakalooban ng walong security personnel ang mga nagdaang president ng Pilipinas na sisiguro sa kanilang kaligtasan hanggang sa huli nilang hininga.
Ayon sa ulat ng Philippine News Agency (PNA), ang mga security personnel na ito ay galing sa Presidential Security Group (PSG), ang pinagsamang AFP-PNP-PCG-BFP service unit, na trabahong protektahan ang presidente, bise presidente, kanilang mga pamilya at maging ang mga nagdaang presidente at bise president at kanilang mga pamilya.
“They are entitled to eight personnel, who are officer-led, but this depends on the ex-president, and the threat levels,” pahayag ni AFP public affairs office chief Col. Noel Detoyato.
“It could be more, it could also be less,” dagdag niya.
Habang binubuo ang samahan ng PSG noong Marso 6, 1987, ang kaligtasan ng presidente at pamilya nito ay nakaatang sa AFP simula pa noong 1897.
Ang nasabing grupo ay binuo upang protektahan ang unang opisyal na si Pangulong, Emilio Aguinaldo, mula sa mga banta sa kanyang buhay, at ang isa naman ay binuo para ipagtanggol si Andres Bonifacio, ang Supremo ng Katipunan revolutionary movement, bilang resulta ng desisyon ng Naic Conference.
Taong 1898, isang presidential cavalry squadron ang itinatag para sa proteksiyon ni Aguinaldo at kanyang pamilya, na may kasamang mga guwardiya.
Katulad ng mga kasalukuyang PSG, sila ay mga nakasuot ng rayadillo uniform, ngunit may kasamang straw hat. Si Major Geronimo Gatmaitan ang nagsilbing unit commander.
Taong 1939, ang unang Cavalry Regiment ng 1st Infantry Division, ang Philippine Army, itinatag noong taong ding iyon, ay responsable sa pagdepensa kay President Manuel Quezon, kanyang pamilya, at sa palasyo.