Mayo 16, 1968 nang tumindi ang mga protesta sa France, at ang mga demonstrasyon ay umabot hanggang sa mga pabrika, at lubhang naapektuhan ang mga biyahe sa paliparan at maging ang pamamahagi ng mga diyaryo.
Naranasan ng France ang kaayusan noong 1960s, na may mas maunlad na ekonomiya at binuwag ang kahariang Pranses.
Gayunman, maraming batang estudyante ang tumuligsa sa archaic university system ng bansa, at ang kawalan ng trabaho sa bagong nagsipagtapos.
Sa pagtatapos ng Mayo nang taong iyon, nagbadya ang radical leftist revolution sa France matapos na milyun-milyong trabahador ang nakiisa sa mga protesta. Nanawagan sila para sa mas mataas na suweldo at mas maayos na kalagayan, at ang pagbibitiw sa tungkulin ni noon ay French President Charles de Gaulle.
Nakipagnegosasyon ang trade union leaders sa gobyernong French sa loob ng dalawang taon, ngunit tinanggihan ang pakikipagkasundo sa huli.