CASIGURAN, Aurora - Naunsiyami ang proklamasyon sa nanalong alkalde sa bayang ito makaraang magpalabas ng order dahil sa kinakaharap nitong disqualification case sa Commission on Elections (Comelec).

Batay sa dalawang-pahinang order sa Municipal Board of Canvassers, pinigilan ang proklamasyon sa re-electionist na si Mayor Ricardo Bitong makaraang mapatunayang may prima facie evidence laban dito.

Pirmado nina Comelec Commissioners Arthur Lim at Sheriff Abas, natukoy na dapat idiskuwalipika si Bitong ngunit kailangan pa rin ang opisyal na desisyon ng komisyon.

Nagtamo ng 5,867 boto laban kay Jeremias Esteves, na may 4,745 boto, hiniling ni Melinda Marie Jasmin, ng Bgy. Esteves ang diskuwalipikasyon kay Bitong dahil sa pagiging Chinese o Taiwanese ng alkalde—na may mga pangalang Ricardo Ang Teh at Tai Li Chun. - Light A. Nolasco
Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!