Inamin kahapon ng pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) na nananatili silang blangko sa pinagmulan ng bagong shabu variant na tinawag na “Green and Blue Meth”.

Ayon kay Atty. Joel Tovera, pinuno ng Anti-Illegal Drugs Division ng NBI, nakakumpiska ang kanyang mga tauhan ng bawat sachet ng green at blue shabu sa isinagawang operasyon laban sa isang Johnny Estrella, sa Pandi, Bulacan, nitong Mayo 12.

Bukod dito, nakakumpiska pa ang raiding team mula kay Estrella ng may 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1 milyon.

Sa pagkakadiskubre sa green at blue na shabu, sinabi ni Tovera na patuloy ang pagsisiyasat ng NBI upang matukoy ang pinanggalingan ng nasabing mga de-kulay na shabu.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Lalong nagiging high-tech na ang shabu, may mga naiimbento nang mga kulay,” sabi ni Tovera. “Dapat ay lalo pang paigtingin ang monitoring at paghuli sa mga sangkot sa ilegal na droga para hindi na ito lumala pa.” (Beth Camia)