WASHINGTON (Reuters) – Tumitindi ang pangamba ng Amerika tungkol sa posibilidad ng economic at political meltdown sa Venezuela, na pinaigting ng takot sa hindi pagbabayad ng utang, dumadalas na kilos-protesta sa lansangan, at pananamlay ng sektor ng petrolyo, ayon sa US intelligence officials.

Sa nakapanlulumong pagbusisi sa lumalalang krisis sa Venezuela, nagpahayag ng pagdududa ang matataas na opisyal na pahihintulutan ng kilalang makakaliwang si President Nicolas Maduro ang recall referendum ngayong taon, sa kabila ng protesta ng oposisyon na humihiling na pagbotohan kung mananatili pa siya sa puwesto.

Ayon sa dalawang US intelligence official, posibleng hindi matapos ni Maduro ang kanyang termino, na magwawakas pagkatapos ng eleksiyon sa huling bahagi ng 2008.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM