Ni Marivic Awitan

Isang mabilis na koponan ang target na maihanda ng National University para sa men’s basketball sa darating na UAAP Season 79.

Ito ang isiniwalat ni Bulldogs coach Eric Altamirano kasunod ng kanilang naitalang 75-59 panalo kontra reigning UAAP champion Far Eastern University sa ginaganap na Fil Oil Flying V Preseason Premier Cup, sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

Sinabi  ni Altamirano na target niyang maiporma bilang “up-tempo team” ang kanyang Bulldogs bilang paghahanda sa darating na UAAP Season sa Setyembre.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

At nais nilang magamit ang kasalukuyang Fil Oil Flying V Preseason Premier Cup para sa target na pagbabago ng Bulldogs.

“We are trying to be an up- tempo team. This is our chance to learn it and try to improve on it,” pahayag ni Altamirano.

“Obviously we’re doing something good but we’re still long ways to go. We are still a work in progress,” aniya.

Dahil sa panalo, umangat ang Bulldogs sa barahang 3-1, kabaligtaran ng Tamaraws na bumagsak sa ikatlong dikit na kabiguan matapos ang opening day win.