Handa na ang isang komite na bagong tatag ni Pangulong Aquino na makipagpulong sa grupo ni presumptive President Rodrigo Duterte upang masiguro ang maayos na pagsasalin ng kapangyarihan sa susunod na buwan.

Unang nagpulong ang Presidential Transition Committee, na itinatag ni Aquino sa bisa ng Administrative Order No. 49, nitong Biyernes upang mailatag ang unang yugto ng transition process bilang paghahanda sa inagurasyon ng bagong pangulo sa Hunyo 30.

“Handa nang makipagtulungan at makipagpulong ang Presidential Transition Committee, na pinangungunahan ni Executive Secretary Paquito Ochoa, sa transition team ng susunod na administrasyon,” pahayag ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma, Jr. sa panayam ng DZRB.

“Kung mayroon nang definite schedule sa pagpupulong ng dalawang grupo, amin itong ihahayag,” tiniyak ni Corona.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Una nang siniguro ng Palace Transition Committee na ihahanda nito ang lahat ng transition report mula sa iba’t ibang kagawaran, ahensiya, kawanihan at maging mga government-owned and controlled corporation (GOCC) sa ilalim ng Executive Branch, sa pagtatapos ng buwan.

Maagang isusumite ang transmission report upang mabigyan ang bagong administrasyon ng sapat na panahon upang ito ay repasuhin at pag-aralan sa kanilang paghahanda sa pag-upo sa kani-kanilang puwesto.

“Part of the peaceful transfer of power is to say, ‘Look at these are things we have done, the idea is this, these are the components that still have to be done, these are things to look out and watch out in coming months, in coming years,’ assuming they are predisposed to listening to us,” pahayag ni Pangulong Aquino sa unang panayam ng media.

“When we get there, that’s a very important ceremony for the state, that there is that transition in power. We will ensure everything in our power to make sure it will be a memorable event, that it gives the incoming administration that leg up as they start governance,” dagdag ni PNoy. (GENALYN D. KABILING)