Good news sa mga empleyado ng gobyerno. Ipalalabas na ngayong araw ang nasa kabuuang P31-bilyon mid-year bonus ng mga kawani ng gobyerno.

Ito ang inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) kasabay ng pahayag na ipamamahagi na ng kagawaran simula ngayong araw, sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, ang special allotment release order (SARO) para sa ekstrang pasahod sa mga kawani ng gobyerno.

Nilinaw ng DBM na ang matatanggap na mid-year bonus ng bawat empleado ng gobyerno ay katumbas ng isang buwan ng basic salary ng mga ito. (Beth Camia)

National

Don't worry! Pilipinas, handa sa Nipah virus—DOH