Ni Edith Colmo

BACOLOD CITY - Patay ang tatlong sundalo ng Philippine Army habang sugatan ang dalawang iba pa makaraan silang paulanan ng bala ng mga pinaghihinalaang New People’s Army (NPA) sa Sitio Carbon, Barangay San Isidro, Toboso, Negros Occidental, kamakalawa ng umaga.

Ayon kay 2Lt. Maria Revekka Knothess Roperos, 303rd Infantry Brigade public information officer, rumesponde ang mga tauhan ng Alpha Company, 62nd Infantry Battalion sa lugar matapos makatanggap ng tawag mula sa mga residente na may umaaligid na armadong kalalakihan sa kanilang komunidad.

Kinilala ang mga napatay na sundalo na sina Private First Class Teddy Alcallaga, Reggie Talion at Ramil Perasol.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang mga sugatan ay sina Cpl. Rosevil Villacampa at Pfc. Jethro Niervo.

Bukod sa pagpapaulan ng bala, nagtanim din umano ang mga rebelde ng mga patibong sa kalsada, tulad ng matutulis na sanga ng kawayan na tinabunan ng tuyong dahon kaya naipit ang mga sasakyan sa kainitan ng bakbakan.

Tinangay din umano ng mga miyembro ng NPA ang dalawang M-16 rifle ng mga napatay na sundalo.