Nangako si re-elected Quezon City 5th District Rep. Alfredo Vargas III na poproteksiyunan niya ang mga bata laban sa usok ng sigarilyo o second-hand smoke sa mga pampubliko at kulob na lugar, sa pagsusulong niyang maamyendahan ang Tobacco Regulation Act of 2003.

Ayon kay Vargas, ang tinutukoy sa Konstitusyon na isa sa mga grupo na dapat protektahan ay ang mga bata.

Nabanggit ni Vargas ang pag-aaral ng World Health Organization (WHO) at ng Department of Health (DoH) na nagsabing ang mga bata ang mas madaling tamaan ng second-hand smoke, kumpara sa matatanda dahil mas mabilis umano huminga ang una. - Bert de Guzman

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'