Matapos ang pagdaraos ng halalan noong Mayo 9, agad na nag-aalsa balutan si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen Sarmiento sa kanyang tanggapan bilang paghahanda sa pagpapalit ng liderato sa kagawaran sa pagpasok ng administrasyon ni presumptive president Rodrigo Duterte.

Pinasalamatan din ni Sarmiento si Pangulong Aquino sa oportunidad na ipinagkaloob sa kanya upang maupo bilang kalihim ng DILG.

Aminado si Sarmiento na noon pa’y nag-aalinlangan na siyang tanggapin ang posisyon ng DILG secretary noong Setyembre 2015 bilang kapalit ni Mar Roxas, na kumandidato sa pagkapangulo.

“I was reluctant to accept the offer for two main reasons: First, I will be filling in really big pairs of shoes (and tsinelas) left by Secretaries Mar Roxas and Jesse Robredo. Second, assuming the DILG post would mean abandoning my position as representative of Samar,” pahayag ng 53-anyos na kalihim sa kanyang Facebook account. - Czarina Nicole O. Ong

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order