Ryle Paolo Santiago,

Ni REGGEE BONOAN

INAABANGAN ng fans ng #Hashtags ang album launching nila dahil nabitin daw sila sa kanilang single na #RoadTrip (sinulat ni Yeng Constantino).

 

NASA, inilabas larawan ng 'Christmas tree' mula sa kalawakan

Kung excited ang fans, mas excited ang #Hashtags dahil hindi nila naisip na magkakaroon sila ng album kaya talagang jump for joy sila nang banggitin ito sa kanila ng Star Music.

 

Kung matutuloy, sa Mayo 21 (Sabado) na ang album launch ng sikat na grupo kaya todo ensayo na sila ng kanilang mga sasayawin.

 

Samantala, napansin namin na lahat ng miyembro ng #Hashtags ay pawang single, lahat as in loveless. Kasama ba sa kanilang kontrata na no girlfriends muna?

 

“Isa lang po ang may girlfriend,” sabi ng handler ng grupo na si Mac Merla ng Cornerstone Talent Management.

 

Sa madaling sabi, sa labing-isang miyembro ay sampu ang single at by choice raw nila iyon dahil career ang prayoridad nila.

 

Samantala, iba naman ang kaso ni Ryle Paolo Santiago, para sa kanya, “Mahirap po magkaroon ng girlfriend sa ganitong edad (17) kaya friends-friends lang po muna para walang stress.”

 

Dinugtungan namin na ayaw din kasi ng Mommy Sherilyn (Tan) niya na magkaroon na siya ng karelasyon.

 

“Oo, ayaw ni Mama. Pero si Daddy (Chris Tan), okay lang, support naman siya sa gusto ko pero advise nga nila na ‘wag na lang muna at na-realize ko rin po na ‘wag na nga lang din kasi stress lang at saka wala rin po akong time, everyday kaming nandito (It’s Showtime),” paliwanag ni Ryle.

 

Dalawang beses palang pinatawag ni Direk Laurenti Dyogi si Ryle sa #Hashtags na noong una ay hindi niya sinipot dahil nga busy siya sa show nila sa #ParangNormalActivity pero ngayong pinatay na ang karakter niya ay okay na siya sa grupo.

 

Sa ikalawang patawag siya pumunta, pinasayaw ng isang beses, at sinabihang kasama na siya sa grupo.

 

Thankful si Ryle na napasama siya sa #Hashtags dahil malakas ang exposure na naibibigay sa kanya o sa kanilang grupo. Kaya saan man daw sila pumunta ngayon ay kilala na sila.

 

Pero hindi naman niya minemenos ang #ParangNormalActivity dahil, “Bida role po ako roon kaya malaking tulong po ‘yun sa akin.”

 

As of now ay It’s Showtime palang ang regular show ni Ryle at okay lang daw sa kanya iyon.

 

“Okay lang na isa para makapag-focus kasi maraming competition ngayon, kailangan ipakitang mas angat maski paano,”katwiran ng binatilyo.

 

Home study si Ryle kaya nagagawa niyang mag-ensayo anytime kasama ang #Hashtags.

 

Samantala, kung papipiliin ng loveteam si Ryle ay gusto raw niya si Liza Soberano. Sinabi naming hindi na puwede dahil may Enrique Gil na ito.

 

“Puwede po, triangle lang, okay lang sa akin. Makatrabaho ko lang, okay na po ako.  Pero siyempre kung gusto ko ng love team, si Liza talaga.  Siya ang pinakamaganda sa showbiz, para sa akin po ‘yun, actually hanggang international.

 

“At saka masipag po siya, dati bulol siya, hindi nakakaintindi ng Tagalog, ngayon fluent na siya, ‘tapos sa Forevermore, ‘yung dialect sa (Benguet) nakuha rin niya, magaling siyang umarte. Kaya kung ano ang eksena, madadala ka rin po niya, kaya gusto ko siya,” paliwanag ng young actor.

 

At ang ideal girl o tipo ng babae na gusto niyang maging girlfriend ay, “Katulad ni Liza, pati ugali at itsura. Pero sabi nina Mama as much as possible ay avoid ko raw ang taga-showbiz kasi mahirap, ang daming competitions. Hanap daw ako ng magiging doktor, ha-ha-ha.”

 

Ang dream role ni Ryle…

“Gusto ko pong ma-try lahat, action star, comedy, leading man, lahat po, horror. Gusto kong mag-focus serious, drama. John Lloyd (Cruz) at Echo (Jericho Rosales) ang gusto kong sundan, kasi kaya nilang mag-serious acting, mag-indie, kaya rin nilang mag-comedy, sitcom. Iba-iba po kaya nilang dalhin.”

 

Kaya sana raw magkaroon daw ng serye si Ryle para mahasa siya sa acting.