Kumpiyansa ang isang opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maisasaayos ni presumptive president Rodrigo Duterte ang sektor ng pampublikong sasakyan sa Metro Manila, tulad ng ginawa nito sa Davao City.

Sinabi ni LTFRB Board Member Atty. Ariel Inton na ang Davao City ay kilalang ligtas at malinis na siyudad, at ang mga driver ng mga public utility vehicle (PUV) ay sumusunod sa regulasyon sa trapiko at hindi sinasamantala ang mga pasahero.

“The expectation we have here in Metro Manila is the same. If they are able to clean up public transport here, then everything else will follow,” aniya.

Umaasa si Inton na ang estilo ng pamamahala ni Duterte na “kamay na bakal” ay magiging epektibo laban sa mga abusado at pasaway na driver ng mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kabilang dito ang mga kaskasero, nangmomolestiya ng pasahero, sobrang maningil ng pasahe, at iba pa.

Nitong mga nakaraang araw, nagsimula nang makipagpulong ang kampo ni Duterte sa pangasiwaan ng Metro Rail Transit (MRT) upang maisaayos ang naturang mass transport system na halos araw-araw na pineperhuwisyo ng aberya. - Czarina Nicole O. Ong