Abueva at Belga

Laro ngayon (Araneta Coliseum)

5 n.h. - Alaska vs ROS

Napigilan ng Alaska ang target na “sweep” ng Rain or Shine. Ngayon, asam ng Aces na madugtungan ang pag-asa para sa naghihintay na kasaysayan sa OPPO-PBA Commissioner’s Cup championship.

National

Lindol sa Zamboanga del Norte, ibinaba na ng Phivolcs sa magnitude 5.4

Magpapatuloy ang maaksiyong duwelo sa pagitan ng Aces at Painters sa pagpalo ng Game 5 ng kanilang best-of-seven championship series ngayon sa Araneta Coliseum.

Nakatakda ang duwelo ganap na 7:00 ng gabi.

Naunsiyami ang tangkang sweep ng Painters nang maagaw ng Aces ang 111-99 panalo sa Game Four.

Nagtala ng 17 puntos, 8 assist at 3 rebound si Chris Banchero habang nag- ambag ng 14 na puntos at 10 rebound ang Best Player of the Conference na si Calvin Abueva bukod pa sa apat na assist at isang steal upang tulungan ang import na si Rob Dozier na nagtapos na may 23 puntos at walong rebound.

Ayon kay Aces coach Alex Compton, taliwas sa sinasabi ng marami na kailangan nilang mag- adjust, ginawa lamang nila ang nararapat upang maputol ang kanilang seven- game losing streak sa finals mula noong nakaraang Philippine Cup.

“We just did what we are supposed to do,” aniya.

Bagamat mahirap ang kanilang sitwasyon, nagsisilbing inspirasyon para sa Aces ang katotohanang nagawa ng San Miguel Beer na bumangon mula sa 0-3 pagkakaiwan at angkinin ang tagumpay.

“Hindi imposible kasi nagawa nga nila (Beermen),pero siyempre nasa amin pa rin kung gugustuhin namin,” pahayag ni Abueva na nakamit ang kanyang unang BPC award.

Sa panig ng Painters, nangako sila na tatapusin ngayon ang serye.

“We just postponed our championship but it’s well on it’ s say. We will try to make the balloons fall on Sunday,” ani Guiao. - Marivic Awitan