Ni Angie Oredo

Mga laro ngayon (Rizal Memorial Baseball Stadium)

7:00 n.u. -- NU vs Vitarich

9:00 n.u. -- DLSU vs Ateneo B

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

11:00 n.u. -- UP vs IPPC

Binokya ng nagtatanggol na kampeong Philippine Air Force ang MC Dream ng Korea, 4-0, upang mainit na simulan ang kampanya para sa ikatlong sunod na kampeonato sa PSC Commissioner’s Baseball Cup, sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Umiskor si Edmerio Del Socorro ng tatlong run habang isa sa nag-pinch runner si Emmanuel Gerona para sa back-to-back 2015 PSC Chairman’s Baseball Classic at PSC Commissioner Cup champion na Air Force na agad itinala ang importanteng panalo sa Group A.

Nagtulong naman ang mga pitcher na sina Romeo Jasmin, na pumukol sa anim na inning at itala ang apat na strikeout; habang tinapos ni Jonjon Robles ang labanan sa huling tatlong inning sa pagbigay ng isang hit sa 11 pumalo na tampok ang anim na strikeout.

Agad nakatuntong si Del Socorro sa una sa tatlo nitong earned run sa first inning pa lamang bago nagawa muli sa ikaapat at ikaanim na inning.

Pinalitan naman ni Gerona si Jerome Bacarisas sa ikawalong inning upang maitakas ang isa pang run kontra sa MC Dream ng Korea na binubuo ng mga expatriates.