NAIROBI, Kenya (AP) — Inabsuwelto ng International Amateur Athletic Federation (IAAF) ang mga atleta ng Kenya, sa kabila ng mataas na bilang ng kaso ng ilegal na droga at pagkakasuspinde ng drug-testing agency.

Ipinahayag din ng IAAF na makalalaro sa Rio Olympics ang Kenyan national team.

Hindi rin pipigilan ng International Olympic Committee, huling magdedesisyon sa naturang isyu, ang pagsabak ng Kenya sa quadrennial Games na nakatakda sa Agosto 5-21.

"That's good news, hey," pahayag ni Kenya track federation president Jackson Tuwei sa panayam ng Associated Press.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"That's real good news. That is the best news I've had, at least for today,” aniya.

Nalagay sa balag ng alanganin ang mga atletang Kenyang nang suspendihin nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) ang Kenya National Anti-Doping Agency bunsod ng kapalpakan sa desisyon ng Kongreso para palakasin ang anti-doping agency.

"During the monitoring process ... Kenyan athletes remain eligible to compete nationally and internationally," pahayag ng IAAF sa opisyal na pahayag nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Nakatakdang magpulong ang mga opisyal ng IOC sa Lausanne, Switzerland para mapagkasunduan ang posibleng ipataw na parusa sa mga lalabag.

Binatikos ni Wesley Korir, miyembro ng Kenyan Olympic marathon team at isang mambabatas sa Kenya, ang pakikialam ng mga pulitiko sa gawain at programa ng sports.

"I must appreciate the consideration the IAAF has given to this situation so at least the athletes who have been preparing and training for the Olympics get a chance to go and compete just like everybody else," pahayag ni Tuwei.