MEXICO CITY (AP) — Malinis na ang pamunuan ng minsa’y hitik sa kurapsiyon na FIFA (International Football Federation). At para masigurong hindi na mauulit ang isyu ng bentahan at lagayan, idineklara ni IAAF President President Gianni Infantino ang pagtatalaga kay Fatma Samoura ng Senegal bilang kauna-unahang babae at non-European secretary general nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Ipinagtanggol ni Infantino si Samoura sa kritiko na nagsasabing wala itong alam sa gawain.

Ayon kay Infantino, umaasa silang magwawakas na ang kurapsiyon, lagayan at pang-aabuso sa kapangyarihan sa pagkakatalaga kay Samoura.

“Nobody can change the past but I can shape the future,” pahayag ni Infantino.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

“FIFA is back on track. So I can officially inform you here, the crisis is over,” aniya.