SA gitna ng mga babala sa matinding epekto ng climate change sa katubigan, nanawagan sa publiko ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na gampanan ang kanilang responsibilidad sa pangangalaga sa yamang-tubig ng ating bansa sa pakikiisa sa coastal at marine conservation.

Ipinahayag ito ng DENR kasabay ng pagdiriwang ng ika-17 anibersaryo ng Month of the Ocean ngayong Mayo na may temang “Biodiversity for Food and SeaCUREity,” na magpapaalala kung paano sirain ng climate change ang yamang tubig sa buong mundo.

Ang matinding init ay umaabot hanggang sa ilalim ng karagatan na nagiging sanhi ng pagkasira ng mga coral na siyang tirahan ng mga isda.

Ayon kay Environment Secretary Ramon J.P. Paje, mas pinaigting ng DENR ang kanilang responsibilidad para sa “green” infrastructure, pagsasagawa ng scientific assessment.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Aside from this, the country has already received considerable foreign assistance in the last five years to scale up protected area management effectiveness,” pahayag ni Paje, ayon sa ulat ng Philippine News Agency (PNA).

“This supports the capacity development needs for protected area management, as well as augment the financing of priority activities,” dagdag niya.

Kamakailan lamang, itinatag ng DENR ang Sustainable Coral Reef Ecosystem Management Program (SCREMP) sa probinsiya ng Albay na makatutulong sa pag-iwas sa epekto ng climate change sa yamang-tubig ng Pilipinas.

Layunin ng programa na maiangat ang kamuwangan ng publiko at mas pahalagahan ang mga coral reefs laban sa climate chage.