Durant and Duncan

SAN ANTONIO (AP) — Nag-iwan ng malaking katanungan mula sa basketball fans ang kinasadlakan ng kampanya ng San Antonio Spurs.

Handa na bang magretiro sina Tim Duncan at Manu Ginobili?

Kung si coach Gregg Popovich ang tatanungin, ang lahat ay nasa balag ng alanganin at malalaman lamang ang kasagutan matapos ang pagmumuni-muni para sa kinabukasan ng Spurs.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I really don’t know what they’re going to do,” pahayag ni Popovich nitong Biyernes (Sabado sa Manila) nang putulin ng Oklahoma City Thunder ang matikas na kampanya ng Spurs sa postseason.

“But when they do decide to move on, sometime between now and the next five years - that’s a little bit of a joke - it will feel a little differently walking into the gym.”

Higit ang dagok sa kampo ng Spurs ang sumabak sa susunod na season na wala sa lineup sina Duncan at Ginobili kaysa sa kabiguang natamo sa Thunder sa Gme 6 ng Western Conference semi-finals.

“We’ll see,” sambit ni Tony Parker, kumumpleto sa ‘Big Three’ ng Spurs.

“It’s going to be a long summer for us.”

Mistulang team-to-beat ang Spurs sa regular season nang makuha ang serbisyo ni LaMarcus Aldridge mula sa Portland. At hindi nagkamali ang mga tagasuporta nila nang maitala ng Spurs ang impresibong 69-13, tampok ang 24-0 sa home game.

Nguit, maliban sa Game 1 kung saan nanalo ang Spurs sa Thunder sa 32 puntos na bentahe, halata ang panghihina ng Spurs.

Nagdiwang si Duncan ng kanyang ika-40 kaarawan nitong Enero, habang si Ginobili ay 38-anyos na.