Umabot sa kabuuang 20 koponan ang magpapasiklaban sa muling paghataw ng 2016 Philippine Sports Commission (PSC) Commissioners Baseball Cup na magsisimula ngayon sa makasaysayang Rizal Memorial Baseball Stadium.

Agad na itataya ng nagtatanggol na kampeon na Philippine Air Force ang titulo sa pagsagupa sa bumibisitang Korea sa pinakatampok na laro.

Maliban sa Philippine Air Force at Korea, sasabak din ang De La Salle U (DLSU), UST Golden Sox (USTGS), IPPC, DLSU-B, NU, ILLAM, Ateneo de Manila (ADMU), Ateneo-B, UP, RTU, UST, Adamson (AdU), Smokey, LS Antipolo, Unicorns, BULSU, Thunderz, at LS Alumni.

Hinati ang 20 koponan sa apat na grupo na magsasagupa sa single round elimination bago umakyat sa quarterfinals kung saan maghaharap ang walong koponan sa Group Crossover. Haharapin ng Top 1 sa Group A ang Top 2 sa Group C, habang magsasagupa ang Group A No.2 at ang Group C No. 1.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Ang magwawagi sa quarter-final ay uusad sa semi-final bago magtapat ang matatalo sa battle for third at ang magwawagi sa kampeonato.

Sunod na magsasagupa ang magkaribal sa UAAP na De La Salle University at ang UST Golden Sox sa Group D, habang ikatlong laro ang IPPC at ang DLSU B sa Group C. (Angie Oredo)