Parami nang parami ang mga Pilipino na tinatalikuran ang bisyong paninigarilyo dahil sa mga maliwanag na litrato ng mga taong nagkakasakit dahil sa sigarilyo gaya ng throat cancer na nakaimprenta sa mga pakete ng sigarilyo.

Sinabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kahapon na ang excise tax collections sa mga sigarilyo ay nagpapakita na nitong Marso 2016, ang mga binayarang buwis ay para sa 148.6 milyong pakete ng sigarilyo, kumpara sa 200.3 milyong pakete para sa parehong panahon noong nakaraang taon, bumababa ng mahigit 51.7 milyong pakete, o 25.8 porsiyento.

Sinimulan ng Department of Health (DoH) ang pagpapatupad sa Republic Act 10643 o Graphic Health Warning Law (GHWL) noong Marso 3.

Sinabi ng mga opisyal ng BIR na ang mga visual health warnings ay nagbibigay ng kaalaman sa mga naninigarilyo tungkol sa seryosong epekto sa kalusugan kapag nagpatuloy sila sa paninigarilyo.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Rumehistro rin ng mas mababang sales ang distilled spirits gaya ng whiskey, brandy, at iba pang hard drinks – 27.4 milyong litro sa Marso ng taong ito, kumpara sa 31.4 milyong litro para sa parehong uwan noong nakaraang taon, bumaba ng halos apat na milyong litro, o 12%.

Gayunman, tumaas ang konsumo ng beer at iba pang fermented liquor ng 143.5 milyong litro sa Marso ng taong ito, kumpara sa 119.3 milyong litro sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Sinabi ng BIR na ang koleksiyon sa “sin products” para sa first quarter ng taon ay may kabuuang P26.6 billion – P14.9 billion mula sa sigarilyo at P11.7 million mula sa mga alak.

Ang P26.6-billion na kabuuang halaga ay halos P4.9 billion – o 22.7% – mas mataas kaysa koleksiyon para sa parehong panahon noong nakaraang taon. (Jun Ramirez)