Tatangkain ni dating IBO Youth lightweight champion Joebert de Los Reyes ng Pilipinas na makapasok sa world ranking sa pagkasa kay dating Australian lightweight champion Darragh Foley para sa bakanteng WBA Oceana super lightweight title sa Hulyo 2, sa Club Punchbowl, Sydney, Australia.

Ito ang ikalawang paghaharap ng dalawang boksingero matapos daigin sa 10-round split decision ni Delos Reyes si Foley noong Hulyo 4, 2015 sa New South Wales, Australia.

Ayon sa promoter na si Paul Nasari, magandang sagupaan ang Foley at De Los Reyes dahil umiskor ng panalo ang Pilipino laban sa Aussie boxer noong nakaraang taon.

“The Foley vs. de los Reyes fight will be a great rematch as the Filipino holds a win over Foley. The WBA Oceana title is up for grabs so it is possible the winner will be world rated,” sabi ni Nasari sa Fightnews.com.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Both fighters have lost to world rated boxers recently and are looking to re-establishing their careers with Foley having lost to WBA rated Brendon Ogilvie and de Los Reyes losing to WBA rated George Kambosis. In my opinion the Foley v de Los Reyes is a 50-50 fight,” aniya.

May record si Foley na 8-2-0 win-loss-draw na may anim na pagwawagi sa knockouts, samantalang si De Los Reyes ay may 15-6-1 karta, tampok ang 10 panalo sa knockouts. (Gilbert Espena)