Nais ni presumptive president-elect Rodrigo Duterte na baguhin ang Constitution para alisin ang mga balakid sa foreign investment bilang bahagi ng planong palakasin ang ekonomiya, sinabi ng kanyang senior aide.
Balak din ni Duterte na dagdagan ang pondo sa imprastruktura at gawing mas madali ang pagnenegosyo, sinabi ni Carlos Dominguez sa mga mamamahayag.
‘’We will ensure the attractiveness of the Philippines to foreign direct investment by addressing the restrictive economic provisions of the constitution,’’ dagdag niya.
Sa kabila ng malakas na economic growth sa panahon ni Pangulong Benigno Aquino, hindi nagbago ang malaking agwat ng mahirap at mayaman sa bansa at isa sa apat na Pilipino ang nabubuhay pa rin sa $1.30 bawat araw o mas mababa pa.
Ayon sa mga kritiko, bahagi ng problema ang hindi sapat na investment at job creation, na isa sa mga dahilan ay ang mga pagbabawal sa foreign investment sa Philippine constitution.
Ang mga banyagang kumpanya ay hindi maaaring magmay-ari ng mahigit 40 porsiyento ng equity sa ilang negosyo, kabilang na ang mga nanganga ilangan ng franchise mula gobyerno, tulad ng aviation at telecommunications.
Ang ilang economic sector ay lubusang ipinagbabawal ang foreign investment, kabilang na sa karamihan ng retail activities, broadcasting, domestic shipping at pharmaceuticals.
Hindi rin maaaring magmay-ari ng lupain ang mga banyaga ngunit maaari silang umupa nang pangmatagalan.
Sinabi ni Dominguez na ang mga panukalang pagbabago ay maisasagawa sa pamamagitan ng isang constitutional convention na ipapatawag ni Duterte.
Sinabi rin ni Dominguez na padadaliin din ni Duterte ang pagnenegosyo sa bansa gaya sa Davao, na ang mga lisensiya ‘’are given in the shortest possible time’’.
Ayon pa sa kanya, rerebishain ng gobyerno ang income tax rate upang mabigyan ng kaluwagan ang mga empleyado na kumikita ng P500,000 sa loob isang taon o mas mababa pa.
Palalawakin din ang cash transfer programme. (Agence France Presse)