nesthy-petecio copy

Kumpiyansa ang Philippine boxing team na binubuo nina Nesthy Petecio, Josie Gabuco at Iris Magno na makasikwat ng silya sa Rio Games sa pagsabak sa Women’s World Boxing Championships sa Mayo 15-26, sa Astana, Kazakhstan.

Gayunman, ipinaliwanag ni Alliance of Boxing Association of the Philippines (ABAP) Executive Director Ed Picson na tanging ang 24-anyos mula Santa Cruz, Davao Del Sur na si Petecio lamang ang mapapasabak sa qualifying match para sa natitirang silya sa Olympics.

“We only have one entry dahil yung weight class lang ni Petecio ang open for Olympics. Pero mapapasabak pa rin sina Josie (Gabuco) at Iris (Magno) sa tournament although walang nakatayang slot sa Olympics kundi para madetermina ang kanilang world ranking,” pahayag ni Picson.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Matatandaang tinalo ni Petecio na kasalukuyangNo. 2 sa women’s 57 kg. category ng Amateur International Boxing Association (AIBA) sa isinagawang box-off ng asosasyon sa training camp nito sa Baguio sina Gabuco at Magno para maging representante sa qualifying event ng quadrennial Games.

Huling nagwagi ng gintong medalya sa bantamweight division si Petecio noong 2015 President’s Cup sa Palembang, Indonesia. Nakapagwagi naman ito ng pilak noong 2014 World Championships sa Jeju City, South Korea bilang featherweight pati na rin noong 2011 Jakarta SEA Games sa Bantamweight at 2013 Napyidaw sa Featherweight.

Umaasa naman si Picson na madadagdag si Petecio sa unang dalawang boksingero ng asosasyon na nagawang makapagkuwalipika na sina 2014 Incheon Asian Games silver medalist Charly Suarez sa Men’s Lightweight (60kg), at ang Light flyweight na si Rogen Ladon na mula sa Bago City, Negros Occidental. (Angie Oredo)