Derozan and Dragic

MIAMI (AP) — Mahina man ang ningas, sapat ang maliit na baga para maglagablab ang Miami Heat sa krusyal na sitwasyon.

Ngayon, naghihintay ang pinakamalaking hamon para sa three-time NBA champion sa playoff series --- Game 7.

Nagsalansan si Goran Dragic ng postseason career-high 30 puntos, habang kumubra si Dwyane Wade ng 22 puntos para paalabin ang determinasyon ng Heat tungo sa 103-91 panalo kontra Toronto Raptors nitong Biyernes ng gabi (Sabado sa Manila), para maitabla ang Eastern Conference semi-final series sa 3-3.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Last year at this time we were all on vacation,” pahayag ni Miami coach Erik Spoelstra.

“So often in this business people tend to want to search for the easy route. There’s usually not an easy way in a seven-game series, certainly not with a second and third seed going against each other. This is the path ... and now we’ve pushed it to a Game 7,” dagdag pa niya.

Magkakaalaman sa Linggo (Lunes sa Manila) sa pagsikad ng ‘do-or-die’ Game 7 kung saan ang magwawagi ay kaagad na bibiyahe patungong Cleveland para sa Game 1 ng Conference Finals laban sa Cavaliers sa Martes (Miyerkules sa Manila).

Kapwa dumaan sa Game 7 ang Raptors at Heat sa kani-kanyang first round playoff.

Nanguna sa Toronto si Kyle Lowry na may 36 na puntos mula sa 12-for-27 shooting, habang tumipa si DeMar DeRozan ng 23 puntos, ngunit hindi nakatulong ang beach sa asam ng Raptors na tapusin ang serye.

“We came here to try to win the game,” sambit ni Raptors coach Dwane Casey.

“We didn’t come here with a seven-game series in mind. It’s been a great series, they’re a championship-caliber team, well-coached team, but we came in here to try to win the game.”

Nag-ambag sa Heat sina Joe Johnson na may 13 puntos, Justise Winslow na kumana ng 12, at pumutok ng 10 puntos si Josh McRoberts.