JHONG copy

PANSAMANTALANG nag-leave sa It’s Showtime si Jhong Hilario simula noong Marso nang mag-umpisa ang kampanyahan para sa Halalan 2016. Tumakbo siya para konsehal ng 1st District ng Makati at mukhang well-loved naman siya ng mga kababayan niya dahil pinapanalo siya.

Proklamado na si Jhong ng board of canvassers bilang newly-elected Makati councilor. 

Sa unang panayam kay Jhong, via phone patch interview ng co-host sa It’s Showtime na si T’yang Amy Perez sa radio show nitong Sakto sa DZMM Teleradyo kamakailan, napag-usapan nila ang mga plano niya sa kanyang nasasakupang distrito.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Tiyang (Amy), siguro pahinga lang ng konti dahil sa sobrang pagod sa pangangampanya,” bungad ni Jhong na umaming name-miss na ang It’s Showtime family.  

“Actally, gusto ko na talagang rin bumalik kasi sobrang na-miss ko na talaga kayo. Na-miss ko madlang pipol,” sabi ni Jhong.

Niliwanag din niya ang tungkol sa isyu na tuluyan na siyang magpapaalam sa It’s Showtime dahil sa kanyang bagong vocation, ang pagiging public servant.

“Siguro ano, kasi kinausap ko rin si Direk Chito (Roño), ‘yung manager ko, hindi ko rin alam kung kailan nga ako babalik sa trabaho ulit so nasa pag-uusap na lang siguro nila ng management,” paliwanag niya.

Nangangahulugang hindi siya tuluyang aalis sa show.

Nakatuon ang pansin ni Jhong ngayon sa Makati lalo pa’t siya ang number one councilor, siya ang nakakuha ng pinakamalaking boto among his co-elected councilors sa 1st District.

Ano ang mga plano niyang gawin pag-upo niya sa July 1?

“Gaya ng mga sinasabi ko sa stage, ito ‘yung kapakanan ng mga kabataan. Meron kasing dalawang programa na gusto kong ituloy, ‘yung SPES and GIP, ito ‘yung nagbibigay ng trabaho sa mga kapuspalad natin pero deserving na mga estudyante. And tumutulong din tayo para at least matuto sila maging isang public servant. At least bata pa lang sila, marunong na silang tumulong sa kapuspalad nating mga mamamayan,” pahayag ng actor-dancer-host. (ADOR SALUTA)