BEIRUT (Reuters) - Napatay ang nangungunang military commander ng Hezbollah na si Mustafa Badreddine sa pagsabog malapit sa Damascus airport, pagkumpirma ng grupong Lebanese Shi’ite nitong Biyernes sa isa sa pinakamatinding dagok sa pamunuan ng organisasyong suportado ng Iran.

Hindi agad inihayag ng Hezbollah kung sino ang dapat managot sa nangyaring pagsabog, ngunit ayon sa deputy leader na si Sheikh Naim Qassem, may malinaw na indikasyon kung sino ang nasa likod ng pag-atake, at ihahayag ng grupo ang resulta ng sarili nitong imbestigasyon sa susunod na mga oras.

Sa ngayon, wala pang umaako sa insidente.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'