ROME (AP) — Tulad ng inaasahan, hindi tumagal ang katatagan ni Roger Federer sa Italian Open.

Napatalsik ang 16-time major champion at last-minute entry ni 15th-ranked Dominic Thiem 7-6 (2), 6-4 sa third round ng Italian Open, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Hindi nakapaglaro si Federer sa naunang Madrid Open bunsod ng pananakit ng likod at napilitan lamang sumabak sa Rome bilang paghahanda sa nalalapit na French Open.

"It doesn't matter how I played. (What is) important is that I didn't have any setbacks and I was able to step on the tennis court and that I tried what I could with what I had," sambit ni Federer, nagwagi sa German teenager na si Alexander Zverev nitong Miyerkules.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naisaayos naman nina top-ranked Novak Djokovic at seven-time Rome champion Rafael Nadal ang maaksiyong quarterfinal sa Foro Italico.

Naisalba ni Djokovic ang malamyang simula para maitakas ang 0-6, 6-3, 6-2 panalo kontra kay 37th-ranked Thomaz Bellucci, habang naungusan ni Nadal si Nick Kyrgios 6-7 (3), 6-2, 6-4.

Umusad din sa quarterfinal si Andy Murray nang pabagsakin si Jeremy Chardy 6-0, 6-4. Makakaharap niya si 12th-seeded David Goffin, namayani kontra eighth-seeded Tomas Berdych, 6-0, 6-0.

Sa women's class, nagwagi si top-ranked Serena Williams kontra sa American qualifier na si Christina McHale 7-6 (7), 6-1.

Mapapalaban siya kay Svetlana Kuznetsova, nanaig kay Daria Gavrilova 6-2, 2-6, 6-3.