CANNES, France (AFP) – Hindi hahayaan ni George Clooney na maihalal bilang pangulo ng Estados Unidos si Donald Trump. Ito ay ayon sa kanyang pahayag noong Huwebes sa premier ng kanyang pelikula sa Cannes.
Ang Money Monster, na idinirihe ng Oscar-winning aktres na si Jodie Foster, ay pinagbibidahan ni Clooney na gumaganap bilang kritiko sa Wall Street television na na-hostage ng isang ordinaryong mamamayang naubos ang lahat ng pag-aari sa stock market.
Layon ng pelikula na maimulat ang kamalayan ng manonood hindi lamang sa mundo ng pananalapi kundi pati na rin sa reality television at maging sa mga balita.
Sinabi ni Clooney na bahagi sila ng pagkasira ng tunay na pamamahayag, at sinisi ang journalists sa patuloy na pagtulak kay Trump sa White House.
“There is not going to be a President Donald Trump. That is not going to happen because fear is not going to drive our country,” sambit ng aktor sa mga reporter sa Cannes Film Festival.
“We are not going to be scared of Muslims or immigrants or women. We are not actually afraid of anything.”
Ang kampanyang ito ni Trump ay nag-ugat sa hate comments ukol sa mga Muslim, sa immigration, at sa kababaihan.
“Trump is a result of all the news programmes that don’t follow up and ask the questions,” ani Clooney na gumaganap bilang cable news tipster na kinuwestiyon ang sariling disposisyon nang matutukan siya ng baril sa ulo.
“24 hour news doesn’t mean you get more news, you just get the same news more,” sabi niya.
“They can put up their ratings with an empty podium saying Donald Trump is about to speak rather than take 30 seconds and talk about refugees, the biggest crisis in the world,” sabi ni Clooney na matagal nang ipinaglalaban ang kapakanan ng mga migrante.
“Would all of the corporations fall on their knees if we did actually inform people?” tanong ng aktor na namuno sa fundraising para kay Hilary Clinton kamakailan sa pagnanais na manalo sa Democratic nomination sa darating na halalan sa Nobyembre.
“We have lost the ability to tell the truth and get to the facts,” dagdag pa nito.
Impotent male rage
Maaalalang unang tumapak ang mga paa ni Foster sa Cannes, apat na dekada na ang nakararaan nang manalo ang kaniyang pelikula ng Palme d’Or noong siya ay 12 taong gulang pa lamang. Sinabi ng aktres na ang pelikula ay umiikot sa galit ng mga tao sa sistema.
Ayon pa sa kanya, ang galit na nararamdaman ng hostage-taker, na gagampanan ni Jack O’Connell, ay “a kind of rage that a lot of people feel about the abuses of technology, and the financial system and how they were left behind.”
Nang tanungin kung ang pelikula bang ito ay pasaring sa karibal ni Clinton sa Democratic ticket na si Bernie Sanders, tumugon si Foster at sinabing, “I’m not sure if that’s a Bernie issue, if anything that’s more of a Trump issue.”
Sinabi ni Foster na ang mga Amerikanong inilalarawan niya ay “struggling with their sense of failure.”
“They look for acceptance from these strong women they have disappointed,” aniya. “They are looking for the values of celebrity and of money in order to give them meaning.”
Dagdag pa niya, ang “intelligent studio movies” gaya ng Money Monster, na ipapalabas ngayong linggo, “are not being made anymore”.
Ngunit iginiit niya na ang gustong makita ng mga manonood ay mga pelikula “that make them think and feel and don’t manipulate them.”
Inihayag naman ng mga producer ng Cannes na gagawa sila ng isang dokumentaryo na tatalakay sa “Capital in the 21st Century” ni Thomas Pikkety na tinaguriang bestselling critique ng financial system sa mundo.
Sinabi ni Mattew Metcalfe, isa sa mga aktor ng hit na dokumentaryong Beyond the Edge at McLaren na ang pagbabasehan ng pelikulang ito ay ang French economist’s tome na nakabenta ng tatlong milyong kopya sa buong mundo.
Samantala, ang Money Monster naman ay may mga pananaw mula sa iba’t ibang kritiko ng industriya.
Ayon sa Holywood Reporter, ang nasabing pelikula ay “preppy, upright film” samantalang pinuri naman ng Variety ang pagkakaroon nito ng elemento ng suspense at katatawanan, at sinabing sa kabila ng ilang hindi magagandang parte, “somehow the film hangs together surprisingly well, thanks to on-point performances from Clooney and Julia Roberts.”