ROME – Magtatatag ng komisyon si Pope Francis upang pag-aralan kung maaaring magsilbing deacon sa Simbahang Katoliko ang mga babae, isang hakbanging pinuri ng kababaihan na ilang taon nang nangangampanya upang magkaroon ng mahalagang tungkulin sa simbahan.
Ang desisyong ito ng Santo Papa ay nagpapahayag ng pagiging bukas niya sa matagal nang iginigiit ng simbahan na tanging mga lalaki lang ang maaaring magpari.
Sa Q&A session ni Pope Francis sa grupo ng mga pinuno sa mga religious order ng kababaihan, sinabi ng Santo Papa na nais niya “[to] increase the number of women in decision-making positions in the church.”
“Constituting an official commission that might study the question? I believe yes. It would do good for the church to clarify this point. I am in agreement.” - NY Times