ANG Araw ng Kalayaan ay isang public holiday sa Paraguay. Ipinagdiriwang ito mula Mayo 14 hanggang Mayo 15, na Pambansang Araw ng Paraguay naman. Kilala sa Espanyol bilang Dia de la Independencia Nacional, ginugunita sa nasabing araw ang kalayaan ng bansa mula sa Espanya noong 1911.

Ipinagdiriwang ang araw sa pamamagitan ng mga parade, na ang pinakaenggrande ay idinadaos sa kabisera at pinakamalaking lungsod sa bansa, ang Asuncion. Karaniwan nang nakasuot ang mamamayan ng tradisyunal nilang kasuotan habang pumaparada sa lansangan. Suot ng kalalakihan ang makukulay na kamiseta, malalapad na sombrerong nilala, poncho, may faja sa beywang, at pantalong bombachas. Nakasuot naman ng blusa ang kababaihan na napapalamutian ng lace at makukulay na burda, mahaba at mayabong ang palda sa magkakapatong na petticoat, at may rebozo o alampay na maitutulad sa mantilla ng Espanya. Inihahain din sa espesyal na araw na ito ang tradisyunal na pagkain para sa Araw ng Kalayaan na tinatawag na Sopa Paraguay, na sinasangkapan ng mais at iba pang pagkain, gayundin ng karaniwan nang inumin na tinatawag na mate. Sa lugar ng campo ng Paraguay, ang Araw ng Kalayaan ay ipinagdiriwang kasama ang pamilya at mga kaibigan, karaniwan ay sa labas ng bahay sa pamamagitan ng pag-iihaw ng karne, paglalaro ng football, pagpapatugtog ng malakas na musika, at sama-samang pag-inom ng serbesa at alak na hinaluan ng cola.

Ang Paraguay ay malawak na lupaing bansa sa pagitan ng Argentina, Brazil, at Bolivia. Matatagpuan dito ang malalawak na latian, kagubatan, at chaco, ang kakahuyang binubuo ng savanna. Ang kabisera at pinakamalaki nitong lungsod na Asuncion ay matatagpuan sa dalampasigan ng Paraguay River. Ito ang sentro ng Government Palace at Museo del Barro, na kinatatampukan ng mga seramikong pre-Columbian at nanduti lacework.

Ang Paraguay ay tahanan ng mga tribung nomadic na kilala sa pagiging mahusay sa digmaan. Sagana ito sa hayupan at halaman at may mayamang kasaysayan at kultura. Unang dumating sa Paraguay ang mga Europeo noong ika-16 na siglo at ang tirahan sa Asuncion ay itinatag ng manlalayag na Espanyol na si Juan de Salazar y Espinola. Kalaunan, ang Asuncion ay naging sentro ng isang lalawigang kolonya ng Espanya, at naging pangunahing lugar para sa mga Heswita, maraming miyembro nito ay nagtatrabaho bilang mga misyonero o nagsusulong ng karapatang pantao o nasa mga organisasyong pangkatarungan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Binabati natin ang mamamayan at ang gobyerno ng Paraguay, sa pangunguna ni President Horacio Cartes, sa pagdiriwang nila ng Pambansang Araw.