Iniutos kahapon ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong graft laban sa anim na opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) kaugnay ng pagbili ng substandard na inflatable rubber boats noong 2010.

Kabilang sa nahaharap sa kasong paglabag sa Section 3(e) ng RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) sina Undersecretary Evelyn Guererro, Director IV Lourdes Santiago, Procurement Management Officer V Julieta Lozano, Procurement Management Officer III Mervin Ian Tanquintic, Administrative Assistant III Alvin John Perater, at ad hoc member Lt. Malone Agudelo.

Hindi rin nakaligtas sa kaso si Anthony Hernandez, ng JOAVI Philippines Corporation, ang supplier ng mga rubber boat.

Sinabi ng anti-graft agency na kabilang sa nilabag ng nasabing JOAVI sa Procurement Service Technical Specifications ng DBM ay ang kawalan ng intercommunication o inflation valve ng mga bangka, over-pressure na mga balbula, at roll-up floor ng mga ito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hindi rin akma ang mga ito para magamit ng mga sundalo dahil pawang pang-sports ang mga ito.

Nagsumite rin ang mga akusado ng palsipikadong technical evaluation report at post-qualification report.

(Rommel P. Tabbad)