LONDON (AP) — Pinaalalahanan ng World health Organization (WHO) ang mga atleta at turista na dadalo sa Rio de Janeiro Olympics na iwasang mamalagi sa matao at maduming kapaligiran sa lungsod para makaiwas sa Zika virus.

Inulit din ng U.N. health agency nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) ang babala para sa mga buntis na iwasan munang bumiyahe sa Brazil, gayundin sa mga bansang may malaking bilang ng kaso ng Zika virus.

Bunsod ng suliranin sa mapamuksang sakit, ilang sektor ang naghayag na huwag nang ituloy ang Olympics ngayong taon.

"WHO has a moral and scientific duty to prevent these games from going ahead as scheduled," pahayag ni Amir Attaran, public health specialist sa University of Ottawa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"They might as well just tell people not to go,” aniya.