Upang matiyak na higit na mapangalagaan ang mga matatanda, binuksan na ng Department of Health (DoH)–MIMAROPA (Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), katuwang ang Dr. Damian Reyes Provincial Hospital ang unang Senior Citizen’s Ward sa rehiyon, na matatagpuan sa naturang ospital sa Boac, Marinduque.

Sa kanyang pagbisita sa pasilidad, binigyang-diin ni Regional Director Eduardo Janairo na tungkulin ng lahat na pangalagaan ang matatanda. “They must be given priority and ensure that they will be accommodated conveniently,” aniya.

Tiniyak ni Janairo na walang bayad sa ward dahil sakop ito ng “No Balance Billing Policy” ng PhilHealth.

“Indigent senior citizens can also avail of free vaccination against the influenza virus and pneumococcal disease upon check-up” ani Janairo.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sinimulan ang konstruksiyon ng ward nito Enero sa inisyatiba ng OIC-Chief ng pagamutan na si Dr. Ruby Ephraim M. Rubiano, na siya ring pinuno ng Health Facilities Operations and Development Unit ng DoH-MIMAROPA.

(Mary Ann Santiago)