Isang babae, na pinaniniwalaang may diperensiya sa pag-iisip, ang nagtamo ng sugat at bali sa katawan matapos tumalon mula sa isang footbridge sa Commonwealth Avenue, Quezon City, kamakalawa ng umaga.

Habang nagsasakay ng mga pasahero sa tapat ng St. Peter’s Church sa Commonwealth Avenue, laking gulat ni Danilo Teves, 41, driver ng UV Express taxi (TYP-259) nang bumagsak sa sasakyan ang nagtangkang nagpakamatay na si Rushela Juralbar, 27 anyos.

Dahil sa bigat ni Juralbar, nabasag ang salamin ng taxi makaraang bumagsak sa bubong ng sasakyan ang biktima na walang saplot sa katawan.

Tinangka pa umanong awatin ni Lorna Barotel si Juralbar, residente ng San Gabriel St., Barangay Payatas, subalit hindi niya ito nakumbinse.

National

₱6.352-trillion proposed nat’l budget sa 2025, lalagdaan ni PBBM sa ‘Rizal Day’ – PCO

Bagamat nagtamo ng maliliit na galos at bugbog sa katawan, dinala pa rin ng mga residente sa Quirino Memorial Medical Center sa Project 4, na roon kinumpirma ng mga doktor na ang biktima ay may diperensiya sa pag-iisip.

(Vanne Elaine P. Terrazola)