MAY mensahe si John Lloyd Cruz ngayong tapos na ang halalan 2016, mag-move on na lahat para sa bagong bukas. Marami man ang nagkakatampuhan dahil sa magkaibang paniniwala, kailangan nang kalimutan ang pagkakasamaan ng loob.
“I’m not going to try and lecture anyone pero siguro balikan lang natin ‘yung purpose ng election, di ba kung bakit tayo merong ikinakampanya, kung bakit tayo merong manok, kung bakit meron tayong bet, di ba… balikan lang natin siguro ‘yung pinakadahilan kung bakit may election -- it’s not about us, it’s about the Filipino nation,” sabi ni John Lloyd.
Inirerespto ni John Lloyd ang opinyon ng bawat isa, na pagpapatunay lamang na ipinaparamdam ng bawat Pilipino ang kanilang saloobin. Kaya ang payo ni Lloydie, sana’y magkaisa na para sa kinabukasan ng lahat.
“So kung may mga nasagasaang friendship, I’m sure maaayos din ‘yun. Maaayos din ‘yun kasi balikan lang natin ‘yung purpose ng ating nagdaang election at kung bakit tayo naging passionate about certain people na gusto natin iangat, gusto natin manalo.
“Because tama lang, dapat lang na passionate tayo du’n because bansa natin ito and tayo rin ‘yung kumbaga tatamaan or maaapektuhan. Kung uunlad, tayo rin ‘yung uunlad. Kung makakaramdam ng dagok, tayo rin ‘yun. So ‘yun lang, dapat walang personalan.”
Tigilan na rin daw ng mga bashers ang pang-aaway online dahil hindi ito makakatulong sa ating nation building.
“Ang mga bashers naman parang baduy n’yo, eh,” sabi pa niyang natawa. “Ang baduy lang. Hindi uusad ang mundo pagka puro lang tayo bash nang bash.”
May mensahe rin si Lloydie sa ating bagong halal na pangulo ng bansa na si Davao Mayor Rodrigo Duterte:
“I hope, sir you get to enjoy the ride. ‘Yun lang ‘yun. Sa bigat ng trabaho n’yo, sa what lies ahead sa kinakaharap ng inyong bagong duty or tungkulin, eh, okay lang din to enjoy lang din, sir. Huwag n’yo masyadong pahirapan ang sarili n’yo. Alam ko mabigat po ‘yung trabaho pero okay din to sometimes enjoy the ride,” pagtatapos ni John Lloyd. (Ador Saluta)