PINAPUTOK na ng susunod na pangulo ng bansa na si Rodrigo Duterte ang initial salvos na naging dahilan kung bakit siya nakilalang mapagkumbaba ngunit magiging mahigpit na pangulo na humihiling na gumaling ang bansa at umusad sa ilalim ng kapayapaan.
Salubungin natin si Preisident-elect Rody Duterte na nangako ng kapayapaan at kasaganahan sa mga Pilipino at ipagdasal na matupad ang lahat ng ito.
“It’s with humility, extreme humility, that I accept this, the mandate of the people,” pahayag ni Davao City Mayor Duterte nang malaman niyang siya ang nanalo sa five-corner 2016 presidential derby.
“I want to reach out my hand and let us begin the healing now,” sambit ni Duterte.
Hayaang maghilom ang sugat at simulan na ang pagkakaisa.
Sa kanyang paglalakbay bilang ika-16 na pangulo, nangako si Duterte na, “What I can promise you is that I will do my very best not just in my waking hours but even in my sleep.”
Sa pagpapamalas ng kanyang sinseridad, si Duterte na palaging nagbibiro, nagpapatawa at palamura noong panahon ng kanyang kampanya, agad niyang binisita ang puntod ng kanyang ama, si dating Davao governor Vicente Duterte, at kanyang ina na si Soledad Roa, isang guro.
“Tabangi ko, Ma (Tulungan mo ako, Ma),” pakiusap ni Digong. ”I was only kidding but... they voted me Philippine president.”)
Matapos makakuha ng mahigit 15 milyong boto sa nagdaang halalan, nakatakdang harapin ngayon ni Duterte ang pagtupad sa kanyang mga binitawang pangako na labanan ang krimen, kahirapan, at kurapsiyon.
Agad-agad, inanunsiyo ng president-elect ang kanyang mga plano upang ihango ang bansa at bigyang-pansin ang mga probinsiyang naisantabi sa mga nagdaang taon.
Wala nang Imperial Manila, ayon sa unang pangulo mula sa Mindanao.
Ayon kay Peter Lavina, tagapagsalita ni Duterte, nais ni Duterte na rebisahin ang Constitution at palitan ang unitary form of government ng parliamentaru-federal model.
Ayon pa kay Lavina, nais din ni Duterte na magkaroon ng peace agreement sa pagitan ng mga rebeldeng grupo sa Pilipinas.
Ang pagkakaunawa ni Duterte sa kalagayan ng mga Muslim ay maaaring makatulong sa pagtalakay sa problema sa Mindanao.
(Fred M. Lobo)