LOS ANGELES — Pinatunayan ng Star Wars franchise na malakas ang kanilang puwersa dahil maging ang Lucasfilm at Disney ay maglalabas ng lingguhang online video series ukol dito.

Ipapalabas ang naturang serye na pinamagatang The Star Wars Show simula sa Miyerkules, sa YouTube, Facebook, StarWars.com, at sa iba pang online channels. Ayon sa Lucasfilm, ginawa ang lingguhang serye na ito upang mas bigyang pagkilala ang franchise, ang fans nito, at ang kaligayahang dulot ng mundo ng Star Wars.

Ayon pa sa Lucasfilm, bagamat marami na ang online series; gaya ng The Star Wars Show na ginawa para sa Star Wars fandom, kakaiba ang nasabing online series dahil mayroon itong exclusive news, never-seen footage, at behind-the-scenes looks sa mga pelikula, palabas, at palaro ng Star Wars franchise.

Samantala, ang aktor na aminadong superfan ng nasabing pelikula na si Peter Townley, at si Andi Guttierez na isang digital communications manager ng StarWars.com ang hosts ng The Star Wars Show.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

(Isinalin ni Pamela Ann C. Bangayan)