Hataw si Christian de la Peña sa 14 na puntos, kabilang ang jumper sa huling siyam na segundo para gabayan ang Letran-A sa 70-68 panalo kontra Centro Escolar University-B, sa 22nd Fr. Martin Cup Summer Basketball Tournament sa St. Placid gymnasium ng San Beda College-Manila campus.

Nag-ambag si Rey Nambatac ng 11 puntos, habang kumana ng tig-10 puntos sina Kier Quinto at JP Calvo para sa ikalimang sunod na panalo ng reigning NCAA champions .

Sa iba pang laro, nanguna si Memet Ascano sa nakubrang 18 puntos sa 78-73 panalo ng CEU-A Scorpions kontra Letran-B.

Ito ang ikalawang panalo ng CEU-A sa ikalimang laro.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ginapi ng University of the Philippines, sa pangunguna nina Daphne Esplana at Antonia Wong, umiskor ng 17 at 16 puntos ayon sa pagkakasunod, ang College of St. Benilde Lady Blazers, 74-59.

Sa junior action, dinagit ng Adamson Baby Falcons ang San Beda-Alabang, 95-51, para manatiling nanguna sa Goup B hawak ang 4-1 marka.

Ratsada naman sina Jelo Razon at Erol Bongay sa natipang 21 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod, sa panalo ng University of Perpetual Help Junior Altas kontra Hope in Hoops, 63-56.

Nanaig ang Chiang Kai Shek College kontra PACE, 104-31, para sa ikatlong panalo sa Group A.